Tao po?

Alam mo ba ang kwento tungkol sa mga Aswang?

Ang mga kwento tungkol sa aswang galing sa mga kwento ng nakakatanda.

Journal 1

Ano ang Aswang sa nakakabagong taon? Importante paba sila? makikita mo paba sila?

Journal 2

Aswang Chronicles

Ang mga Journal

Ano Ito?

Mayroong nakahanap na isang libro, ito ay isang journal puno ng mga sulat ng isang tao galing sa probinsya, kung saan naisulat ang iba’t ibang kwento nila at karanasan nila noong nakatira sila sa Probinsya.

Ano laman nito?

Nakasulat detalye dito ang kanilang mga narinig na kwento, lalo na ng sila’y nag tanong tungkol sa mga Aswang sa kanilang Probinsya. Nakasulat ang kanilang kaalaman at ang mga sinabi ng iba tungkol dito.

Bakit ito Importante?

Dahil sa mga nanyayari sa Probinsya na ito, gagamitin ang Journal na ito para malaman tagala kung ano ang Aswang, bakit sila importante, at kung sila ba talaga ang may kagagawa ng pagkawala ng mga tao sa Probinsya.

Larawan at Deskripsyon

Mga Aswang

Tik-Tik
Lumilipad na Aswang, kung saan nalalaman mo kung gaano sila kalapit base sa tunog nila.

Sigpin
Ang Sigbin o Sigben ay isang nilalang sa mitolohiyang Pilipino na siyang lumalabas sa gabi at humihigop ng dugo ng tao mula sa kanilang mga anino.

Manananggal
Ang manananggal ay isang nilalang na may kakayahang magbago ng anyo tuwing kabilugan ng buwan. Ito ay sinasabing nagpapalit ng anyo kapag sumapit na ang hatinggabi.

Berbalang
Ang Berbalang sa Sulu ay isang klase ng aswang na may kakayahang mag-astral projection upang isugo ang kanyang espiritu upang manguha ng mga bagong biktima.

Tao po, alam niyo ba kung...

Ano nga ba ang Aswang?

Ang Aswang ay isang pang-mitolohiyang nilalang sa mitolohiyang Pilipino kung saan ito ay pinaniniwalaang kumakain ng tao at ng ibang mga hayop.


Itsura

Alam niyo ba na ang aswang ay isang nilalang na maraming muka? Ito ay nag iiba ng kanyang anyo depende sa kung saan ito nahahanap, ngunit, ang kaiisang pagkapareho nila ang kanilang ngipin.


Pinagsimulan

Ang Aswang ay maraming masasabing pinagsimulan. Galing sa mga sabi sabi galing sa ating kultura, ang Aswang ay maraming masasabing pinagmulan, lalo’t nang maraming bersyon ito depende sa kung saan ka nakatira.


ANG MGA ASWANG